Eunah ALAS DOS ng hapon nang dumating si attorney Rhian Luther. Bukod sa usapin tungkol sa kasal namin, nagkaroon din sila nang masinsinang pag-uusap tungkol sa kasong bubuksan nilang muli. Si attorney Luther ang magiging abogado ni Papa. Hindi pa man nakakaalis si attorney ay dumating naman sila Daddy Damien kasama ang asawa ng pinsan nila na si tito Liam Parker, isang colonel. Kinunan nila ng statement si Papa. Dito namin nalaman ni Damiel na kasali pala sa mga nagpatakas noon kay Agnes mula sa bahay ng mga Laroza ang matalik na kaibigan ni Papa na si Ronel Dumlao. Siya ang nagmamay-ari nang pagawaan ng ice cream sa Cainta, na tininda din ni Papa noong naroroon pa kami. Naging isa sa mga bodyguard daw ito noon ni Mr. Randy Laroza, at ayon daw kay Mang Ronel ay si Mr. Randy Laroza ang