Blossom "Papa!" Bigla kaming napalingon ni Walter sa harapan namin nang marinig namin ang sigaw na 'yon ng isang bata. Maging ang buong pamilya namin ay napatingin din kay Eunice na ngayo'y nakatitig naman kay Walter. "Nandito ka po?!" sigaw pa rin nito habang nakatitig kay Walter. Tinangka nitong lumapit sa amin pero mabilis itong binuhat ni Damiel. "He is not your Papa," he told his daughter in a low voice. "Papa ko siya, Daddy!" "No, he isn't." Napalingon ang lahat sa amin, lalong-lalo na kay Walter. "Let's take a thirty-minute break!" turan ni ate Rox sa amin kasabay nang pagsenyas niya ng time out. Ibinaba na ng mga photographer niya ang mga camera nila. Inalalayan naman ako ni Walter na makalapit sa pamilya namin. "Daddy, doon lang ako kay Papa!" Nagwawala na si Eunice hab