Blossom "Ano'ng nangyari sa naunang lugar?" Napahinga ako ng malalim. "Nasunog daw ang Mountain Mist Lodge resort at hindi pa matukoy ang dahilan." Pareho kaming napatitig sa isa't isa. "Wala na bang iba?" "Wala ng ibang lugar na katulad ng gusto ko, kundi sa golf course na lang ni Tito Damien." "That's okay with me." "Are you sure?" "Yeah. Ikaw ba? Okay lang ba sa iyo?" "Okay lang. Gusto ko rin doon." "Alright." Tumango-tango naman siya. "Let's go." Umakbay na siya sa akin. "Nasabi ko na rin kay ate Rox na tutuloy tayo. So, mamayang gabi ay pupunta na tayo doon dahil maaga sisimulan ang photo shoot para sa sea of clouds. Papunta na rin doon ang team ni ate Rox para mag-ayos. Madaling araw pa lang din ay aayusan na tayo bukas." "Where are we going to stay?" "At Tito Damien's