CHAPTER 85: Pre-Wedding Photoshoot

1489 Words

Blossom KINABUKASAN ay kaagad kong tinawagan ang pinsan kong si ate Roxzelle. Pangalawa siyang anak nila Tito Dexter at Tita Diana. Si Tito Dexter naman ay isa sa mga kapatid ni Dad sa ama--at si ate Rox naman ay isang wedding planner. Sa aming magpipinsan na nagpaplanong magpakasal ay siya ang palaging tawag ng buong angkan namin. Namana niya kasi ang propesyon ni Tita Diana na isa ring magaling na wedding planner. Mabilis din naman siyang nagtungo dito sa mansion. At ngayong nagpaplano na kami sa nalalapit naming kasal ni Walter, malalaman na ito ng lahat at makakarating na rin kay Eunah. It's been over a month since they came back from their honeymoon in Bali, Indonesia. Siguradong malaki na rin ang tiyan niya ngayon. Baka nga ilang araw lang ang pagitan ng edad ng mga anak namin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD