Blossom GULAT ANG LUMARAWAN sa anyo niya pagpasok pa lamang niya dito sa loob ng silid ko. Pinigilan ko ang matawa sa hitsura niya. "Apartment nga," aniya habang umiikot ang paningin niya sa buong paligid. Namumungay na ang mga mata niya dahil ilang oras din bago natapos ang inuman nila. Nasa mga kanya-kanya nang mga kwarto ang mga kapatid ko kasama ang mga asawa at mga anak nila. "Nakakahiya sa parents mo. Bakit dito mo itinambak ang mga 'yan?" Napahawak siya sa noo niya. Namula ang mukha niya at lumarawan ang labis na hiya sa anyo niya. Natawa na lamang ako. "Eh, ayoko nga silang mapunta sa kung saan lang. They're fine here." "Iuuwi ko na lang sila sa Cavite--" "Ayoko! Dito lang sila." "Pupunta din naman tayo sa Spain." "Kahit na. Pag-aari ko na rin ang mga gamit mo kaya dito l