Blossom MAINIT NA sinalubong ng buong pamilya ko ang pagdating ni Walter. Nagkaroon ng masayang salo-salo at inuman sa buong mansion. Napag-usapan nila ang tungkol sa negosyong pinamamahalaan ngayon ni Walter sa Spain. At dito namin nalaman na ang Woomie Foods, S.A company ay distributor din pala ng ilang produkto sa mga negosyo ni Tita Harlie sa Italy. Bunsong anak siya ni Lolo Harold. Si Lolo Harold naman ay kapatid ni Lolo David, ang ama ni Dad. Hindi naman imposible 'yon dahil nga international na ang Woomie Foods, S.A company at sila ang nangungunang producer at distributor sa buong Europe, United States, Canada, at iba't ibang international market. Sa gabi ding ito ay dito na inamin ni Walter sa pamilya ko ang tungkol sa nakaraan nila ni Eunah. Matapang niyang ikinuwento sa pam