Carolline's POV Nakita ko kung paano siya tumumba nang tumama ang bala sa kaniya. Napabuntong hininga ako nang maramdaman kong walang tumamang bala sa tiyan ko. Hindi siya nakaligtas. Sa pagkakataong ito ako ang nabuhay. Wala ng bala ang hawak niyang baril nang iputok niya ito. "Carolline!" Napalingon naman ako sa sumigaw ng pangalan ko at nakita ko si Francis na papatakbo sa puwesto ko. Nakangiti siyang pumunta sa kinaroroonan ko. Masaya akong makita siyang buhay. "Francis," nakangiting tawag ko. Alam kong hindi niya maririnig ang pagtawag ko sa pangalan niya. Papalapit na siya nang papalapit sa akin habang nakangiti pero sa hindi inaasahan bigla nalang siyang tumumba sa harapan ko. Nakita ko ang lalaking kasama ni Brianna. Nakatutok ang baril niya kay Francis at bago pa siya makap