Carolline's POV "May nakatakas!" Malakas na sigaw ng isa sa mga kasama ni Brianna at bago pa ako makalingon sa pinanggagalingan ni Francis ay nakarinig ako ng malakas na pagsabog at ingay na nagmumula sa mga putok ng baril. "May mga pulis!" Malakas pang sigaw ng kasamahan nito. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napatingin kay Brianna. Nakita ko ang galit sa mga mata niya at bago pa ako makapagpaliwanag. Nakita kong kinalabit niya ang gatilyo ng baril. Tila ba nabingi ako nang makarinig ng dalawang malakas na putok ng baril at bago ko pa siya pigilan ay napatulala ako nang makitang nakahiga ang dalawang taong nasa harapan ko. Nagkalat ang mga pulang kulay sa sahig. Nakita ko ang magkahawak nilang kamay at bago pa ako tuluyang bumigay ay may humawak na mula sa likuran ko at kasunod nit