Carolline's POV "I love you Carolline and trust me! Makakaalis tayo rito." Hindi ko mapigilang mapaluha nang sabihin niya 'yon. Hindi na ako nakasagot pa nang bigla siyang ilayo sa akin ni Brianna. Naiinis ako kay Brianna dahil siya ang dahilan kung bakit namatay ang tumatayo kong magulang. Sobrang bait nila sa akin pero bakit nangyari 'to sa kanila? Lumapit sa akin ang demonyo kong kapatid at hinawakan ang baba ko para makita niya ng diretso ang pagluha ko. Hindi ako makakapayag na patayin niya na naman ang mga taong mahal ko. "Kumusta? Masaya bang malaman na hindi ka na makakaalis pa rito?" Natatawang tanong ni Brianna sa akin. Matalim kong tinitigan ang mata niya at hindi ako nagpakita ng takot sa kaniya. "Ganito lang ba ang kaya mo?" panghahamon ko sa kaniya. Nakita ko ang pag-ngi