Francis' POV Mabilis akong nagtungo sa sasakyan ko at pumunta sa lugar kung nasaan si Carolline. I drive as fast as I can. Hindi ko na inintindi 'yong mga bumubusinang sasakyan sa tuwing pinapaharurot ko ang sasakyan ko ng mabilis. Narinig ko ang sunod-sunod na tawag mula sa mga kaibigan ko. Alam kong nag-aalala na sila sa amin pero ayoko ng may madamay pang iba. Ang gusto ko lang ngayon ay makuha si Carolline mula kay Brianna. Una pa lang noong makita ko si Brianna matapos naming maghiwalay. She started doing strange things. Minsan nakikita ko siyang kinakausap ang sarili niya, nagagawa niya na rin 'yong mga bagay na hindi ko akalaing magagawa niya, and there was a time na nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa patay na pusa. Nagsimula akong magtaka sa kaniya. Noong minsan si