Carolline's POV Pagkatapos ng nangyari kanina ay hindi ko na lamang ito inisip. Mas dadagdag pa ito sa problema ko. Mas okay ng walang nakakaalam ng tungkol sa bata sa ngayon. Mabuti na 'yon kaysa may masaktan at madamay pang ibang bata. Alalahanin ko na lang kung paano palakihin ng maayos ang anak ko. Nakauwi ako sa mansyon ng maayos. Mabuti na lang at wala roon sila Mommy at Daddy. Ginugugol talaga nila ang kanilang oras para sa gaganaping birthday ko sa susunod na araw. Napangisi ako nang maalala 'yong mga plano na gagawin namin ni Francis. Mukhang hindi na yata matutuloy ang bagay na 'yo. Gustuhin ko mang makasama siya habang buhay, pero hindi puwede. Mas nauna si Brianna magkaroon ng karapatan sa kaniya. Kung sabagay hindi pa rin naman ako sigurado kung may bata nga talaga rito s