Third Person's POV Maagang nagising ang mga tao sa mansyon ng mga Suarez. Ngayon ang kaarawan ni Carolline at kahit umaga pa lang ay mga busy na ang mga tao sa paghahanda. Gaganapin ang kaarawan ni Carolline sa isang five star hotel na pagmamay-ari rin ng pamilyang Suarez. Imbitado ang mga business partner, kaibigan at mga pamilya nila sa isang pinakabonggang selebrasyon ng kanilang anak na si Carolline Suarez. Ang balak ng magulang nito ay ipakilala siya sa kanila at sabihing siya ang isa sa tagapagmana ng mga kayamanan ng Suarez. Hindi rin naman mawawalan ng mana si Brianna. Bibigyan din siya ng kalahati at ang natitirang kalahati naman ay kay Carolline. Batid ng magulang ni Carolline na may hidwaan ang dalawa kaya pilit din nilang pinag-aayos ang magkapatid upang magsama na sila sa