Carolline's POV "I'm sorry," malungkot na sabi ko at bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kaniya. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya sa lahat ng pagkakamali ko. Napakunot naman ang noo ko nang maglakad siya. Saan na naman 'to pupunta? Hindi pa ako tapos magsalita. Bastusan. "Saan ka pupunta?" tanong ko. Napalingon naman siya sa akin at nakita ko pa na parang namumula-mula ang mata niya. Nagda-drugs ba siya? "Bakit ganiyan ang itsura mo? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa," pang-aasar ko. Napangisi naman siya. Napahinto na lang ako at napabuntong hininga. "Huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mapaniwala sila," sagot ko. Isa pa sobrang dali ng sinasabi nila. Buntis na talaga ako at hindi na ako mahihirapang gumawa ng kahit anong magagandang salita para