Allen's POV "A-Anak?" gulat na tanong ko. Tila ba'y tumigil ang mundo ng taong 'yon at dahan-dahang napalingon sa akin. "Who are you?" tanong nito pero nakatitig lang ako sa kaniya. Saglit akong napatingin sa mukha ni Carolline at napansin ang pagkakahawig nilang pareho. Ang mata, ang ilong at ang kaniyang labi ay kapareho ng lalaking kaharap ko. "Sino ka? Bakit mo siya tinatawag na anak?" tanong ko. "Ako ang tatay niya." "Tatay? Patay na ang magulang ni Carolline. Wala na siyang iba pang kamag-anak bukod sa akin," sagot ko. Tila ba nanlaki ang mata niya at mabilis niya akong hinila sa braso. Binitiwan niya naman ang braso ko nang makalabas kami sa kuwarto ni Carolline. "Anong sinasabi mong tatay?" mabilis na tanong ko. "Iho, makinig ka." Napatitig ako sa kaniya at napatigil nang m