Francis' POV Nakita ko ang lahat. Simula nang pumunta siya sa rito hanggang sa pag-alis niya. Nasaksihan ko ang lahat pero wala akong nagawa para lapitan at tulungan siya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nasa loob ng kotse ko. Napakaduwag ko. Hanggang sa umalis siya ay sinundan ko siya. Nakarating siya sa may baywalk at doon umupo. Nakatingin lang ako sa kaniya mula sa malayo. Natatakot ako na baka masaktan ko na naman siya ulit. Narinig ko ang pagsigaw niya nang malakas. Nasaksihan ko ang pag-iyak niya ng mag-isa. Ramdam na ramdam ko ang sakit pero para akong gago na walang magawa. Napakunot ang noo ko nang bigla siyang tumayo. "What are you doing, Carolline?" tanong ko, pero alam kong hindi niya maririnig 'yon. May pumapasok na sa isip ko na susunod na mangyayari, pero umaasa p