Carolline's POV Nakatitig lang ako sa may entrance at hinihintay na lumabas siya. Gusto ko lang ulit siyang makita at linawin 'yong relasyon na meron sa aming dalawa. Kung relasyon nga ba talaga ang matatawag doon. Napaluhod ako bigla nang isang babae ang malakas na bumangga sa akin mula sa likod. Hindi niya man lang ako nilingon at nilapitan. Patuloy lang siya na naglalakad patungo sa entrance na parang walang nangyari. "Iha, are you okay?" Napalingon naman ako sa matandang lalaki na tumulong sa akin sa pagtayo. Kung tutuusin parang kasing edad lang sila ni Daddy kung nabubuhay pa ito at kung titignan ang suot niya ay mayaman ito. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang mapatitig sa mukha niya. Napakunot ang noo ko nang makita ang luhang pumatak sa mata niya. Kung hindi ako nagkakam