Carolline's POV "Babe, sino siya?" Isang boses ng babae ang narinig ko mula sa likod. "Brianna," hindi ko mapigilang lingunin ang babae na 'yon nang banggitin ni Francis ang pangalan niya. Brianna? Siya ang ex-girlfriend ni Francis. Anong ginagawa niya rito? Lumapit naman siya kay Francis at napaatras pa ako ng kaunti nang sinadya niyang banggain ako sa kanang braso. Napakurap ako ng dalawang beses nang makita kong lumingkis siya sa braso ni Francis. What the hell?! "Who is she?" Nakaturong tanong sa akin ni Briannang bruhilda na parang nandidiri pa. Gusto kong kunin 'yong daliri niyang nakaturo sa akin at baliin 'yon. Gagawin ko sana 'yon kung hindi lang ako nakapagpigil. Tinignan ko naman si Francis at nginitian ko siya. Go, Francis! Sabihin mo sa babae na ito na ako ang girlfrien