Carolline's POV "Gising ka na pala." Napatingin ako nang makita si Allen sa pintuan habang naka-suot ng midnight blue tuxedo. "Anong meron?" tanong ko habang pinapakita sa kaniya 'yong card at 'yong mask na hawak ko. "Masquerade party," sagot niya. Lumabas naman siya at napakunot ang noo ko nang marinig na may kinakausap siya. Pagkapasok niya may kasama na siyang dalawang babae. "Ladies, paki-ayusan na siya, dahil late na kami sa party." Naka-ngiting utos niya sa dalawang babae na lumapit sa akin. Nakangiti rin silang tumango. "Babalikan kita." "Saan ka pupunta? Huwag mo akong iwan!" Napanguso na lang ako nang makita ang pag-alis niya. Hinila naman ako ng dalawang babae sa harap ng salamin at inayusan na. "Ate hindi pa ako nakakaligo, time first muna." "Naku Ma'am, wala na po tayong