Franco's POV Nakatulala kaming lahat pagkatapos niyang magsalita. Hindi kami makapaniwala sa aming nakita. Para bang lahat kami ay nawalan ng dila. Walang makapagsalita sa amin. "Tatawag ako ng Nurse," sagot ni Emman kaya napatango ako sa kaniya at mabilis na siyang lumabas ng kuwarto. Napalapit sa kaniya sila Tita at Tito, ang parents ni Allen. "Honey, anong nararamdaman mo ngayon? Are you okay?" tanong ni Tita sa kaniya. Napatango naman si Kuya. Hindi pa rin natatanggal ang pagkakahawak ni Kuya sa kamay ko at ramdam ko ang init na nanggagaling sa kamay niya. "B-Buhay ka ba talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko. Pinalapit niya naman ako sa kaniya. Naramdaman ko ang malakas na hampas niya sa akin. "Buhay ka nga talaga," sagot ko. "We were happy to know that you are back, Francis.