Carolline's POV Napaupo ako nang sabihin niya ang salitang iyon. Bakit ang dali nilang sumuko? Bakit ang bilis nilang sabihing palayain na siya? Kasi ako, hindi ko kaya. Hindi ko kaya na pati siya ay mawala sa akin. Hindi ko na kakayanin pa. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. "I'm not!" mabilis at madiin kong sagot. Gusto kong maramdaman nila ang nararamdaman ko. Ganoon na lang ba nila kadaling itapon si Francis? "Bakit ang bilis niyong sumuko? Akala ko po ba gusto niyong protektahan ang anak mo? Pero bakit ganoon parang laruan lang siya na kapag nagsawa ka na, itatapon mo na lang. Ganoon po ba kayong klaseng tao? Pamilya niyo po si Francis. Anak pa nga po to be specific. Bakit sumuko kayo agad? Humihinga pa po siya. Buhay pa po siya!" "Machine na lang ang bumubuhay sa kaniya,