Francis' POV Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang mag-usap sila Daddy at Carolline. Alam kong naging okay na sila, based sa pagkukuwento ni Carolline sa akin noong magka-usap sila ni Daddy. Halos araw-araw naman ganito ang routine namin ni Carolline. Pupunta kami sa garden ng hospital para roon magkuwentuhan. Kakain sa kuwarto ng paborito niyang pizza na isasawsaw sa bagoong at magkatabing matutulog. Kahit na ganito ang mangyayari sa amin sa araw-araw, hindi ako magsasawa basta makasama lang siya. Hindi na rin ako nag-abala pang pumasok sa trabaho. Dahil ang gusto ko ay alagaan muna si Carolline. Si Franco muna ngayon ang nagma-manage ng kumpanya. Habang ang kumpanya na naiwan kay Carolline ay tinutulungan siya ni Allen. Minsan ay nakikita ko ring gumagawa si Carolline sa kan