Carolline's POV "A-Aray! Ano ba Francis, dahan-dahan lang!" inis na sabi ko. "Huwag mo munang ipasok, masakit." Sabay hampas ko sa kaniya. "Huwag kang makulit. Hindi ko pa nga naipapasok." "T-Teka!" Malakas akong napatawa. "Nakikiliti ako." "Ang kulit mo naman!" "A-Aray! Ano ba! Dahan-dahan lang kasi!" naiinis na sabi ko. "Ayan na! Naipasok ko na," sagot niya. Napatingin naman ako sa paa ko. Kung hindi lang ako nagkaroon ng sugat sa paa, madali ko lang maisusuot itong sapatos ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha itong sugat ko. Maliit lang naman siya pero masakit kasi sa tuwing nasasagi. "Saan na tayo pupunta?" tanong ni Francis. Ilang araw na rin ang nakalipas pero nandito pa rin kami sa loob ng Hospital. Mino-monitor kasi ng Doctor ang kalagayan ko dahil kabuwanan ko na. Si Fran