Carolline's POV Hindi ko magawang itulak siya palayo. Hindi ko alam kung bakit sumasagot ako sa bawat halik na binibigay niya sa akin. Pakiramdam ko sabik na sabik ako sa bawat halik na 'yon. Napatingala ako nang bumaba ang halik niya papunta sa leeg ko. Para akong nawawala sa sarili ko sa bawat pagtama ng balat niya sa balat ko. Parang nasa isang magical world ako at sinusunod lahat ng utos niya. Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya at itinaas ang damit ko para tanggalin. Hindi ko rin napansin na natanggal niya na pala ang bra ko. Parehas na kaming half naked. Bakit ganoon? Siya lang ang lasing sa aming dalawa pero nalalasing din ako sa tuwing malalasahan ko ang labi niya. Bawat paglapat ng labi niya sa balat ko ay parang nakukuryente ako. Biglang pumasok ang dating alaala ko. "