Mad 16 (Kaye) Nagising ako nang marinig kong magbukas ang bakal na pintuan ng safe zone na pinaglagyan sa akin, medyo masakit sa mata ang ilaw mula sa labas dahil nasanay ang mata ko sa dilim, hinaharang ko ang mga palad ko sa mukha para hindi ako masilaw. Hinang-hina na ako, hindi ko alam kong ilang araw na akong narito, hindi na rin ako nakakakain ng maayos, nakakatulog dahil kong matulog ako ay nakaupo, hindi na ako nakakainom ng tubig, gusto ko nang umuwi sa amin, gusto ko nang makita sila mama at papa. May dalawang nurse ang pumasok sa loob at basta na lang akong hinila palabas ng silid na ‘yon, pilit nila akong pinapatayo kahit na nang lalambot na ang mga tuhod ko, nanunuyot na lalamunan at mahahapding labi na hindi ko na kayang makapagsalita para humingi ng tulong. Nabitawan ni