Mad 17 (Third Person) “Gising Kaye, gising.” “Kaye gumising ka na!” “Patay na ba siya?” “Hindi pa, ano ba kayo!?” “Kaye gising.” Pitong kaibigan sa dalagang si Kaye ang pilit na ginigising siya, hindi pa ito nagigising simula nang maaksidente sila, sinasampal at yinuyugyug na pero hindi pa rin nila magawang magising ito. Unang nakalabas si Gavin mula sa loob ng kotse, nagising naman si Princess, Owen at Queenie na nagtulungan na makalabas ang iba pa. Inihiga nila si Kaye sa kalsada kahit na marumi ito, iyakan ng iyakan ang dalawang babaeng kasama dahil hindi pa rin nagigising si Kaye samantalang si Gavin naman ay sobrang nag-aalala sa kasintahan. Dahan-dahan idinilat ni Kaye ang mga mata niya nang marinig ang ingay ng mga kaibigan, “Kaye,” muling tawag ni Gavin sa kanya. Nang tul