Mad 2

1120 Words
Mad 2 (Kaye) Hindi ko alam kong totoo ba ‘tong nakikita ko, wala akong ibang makita kong di mga nakapaligid na baliw, hindi mabilang, mga silid na gawa sa silda hanggang sa makarating kami sa sinasabi nilang dining area kong saan mga hilera ng mahahabang upuan at lamesa, may mga nakapuwesto na sa kanya-kanya nilang upuan, may iba naman na hindi pa okyupado. Inalalayan niya akong makaupo sa pinakadulo ng isang lamesa, may mga katabi akong baliw, halos ang iba ay kaseng edad ko lang, siguro dahil ayon sa mga nakikita kong itsura nila. “Dito ka lang, hintayin mong iabot nila sayo ang pagkain mo.” Aalis na sana ang binatang nurse ng agad akong tumayo. May ilang nakapansin sa ginawa ko at pati ang atensyon ng nagdala sa akin dito ay nakuha ko, takang-taka. “Ayoko rito!” Iiling-iling ako sa kanila, napansin kong nagkatinginan ang ilang nurse na malapit sa akin, para bang hindi alam kong anong gagawin sa akin. “Hindi ako baliw, bakit ako na andito!? Pakawalan ninyo ako rito, kailangan ko sila mama! Pakawalan ninyo ako rito!” Tili na ako ng tili, may isang lalapit sa akin na nurse na babae nang itulak ko siya kaya natumba siya. Tumakbo agad ako nang makita kong bukas ang pintuan, pero hindi pa ako nakakalayo nang para akong nakaramdam ng bultahe sa katawan ko na naging sanhi nang pagbagsak ko sa sahig, para akong nangingisay, hindi ko alam kong anong ginawa nila sa akin, nakadapa lang ako, wala na akong maintindihan sa paligid ko kong di ingay. “Ang mga pasyente! Dalian ninyo!” “Red alert!” “Kunin ninyo ang mga matatalim na bagay, dali!” Mga sigawan nila, may mga naririnig pa akong mga mura at mga salitang dito ko lang narinig, nang lalabo na ang paningin ko pero maraming paang nagtatakbuhang kong saan-saan, para bang naghahabulan, nagkaroon ng alingangaw ng wangwang, para bang sinasabing may hindi magandang nangyayari. “AHHHHH!” Tili ko nang may maramdaman akong matulis na bagay na bumaon sa braso ko, grabe na ‘tong ginagawa nila sa akin. Para akong lumulutang sa eri, naaninag kong may mukhang sobrang lapit sa akin, karga na pala ako nong nurse na nakita ko kanina nang magising ako, wala na akong nararamdaman, para akong nagmamanhid, gusto kong humingi ng tulong pero hindi ko magawa, hanggang sa muli akong lamunin ng antok at kadiliman. ­--- Ospital ba ‘to o s*******r house, para na nila akong papatayin, nagpipigil ako at pilit na inaalis ang kamay na nakahawak sa ulo ko na pilit akong nilulublob sa tubig ng bath tub, hindi na ako makahinga at nakakainom na rin ako ng kaunting tubig, bumibigat na ang baga ko. Para akong isdang naghahanap ng hangin nang iahon ako sa tubig, ubo ako ng ubo, hinang-hina na ako, simula nang magising ako, ito na ‘yong nangyayari sa akin, ilang beses na nilublob sa tubig, saka ako marahas na tinulak sa sahig, halos mapahiga na ako basang sahig, pati ang buhok at kalahati ng damit ko basa na. Pilit kong binabalik ang hanging nawala sa akin, ubo pa rin ako ng ubo, ang sakit sa lalamunan at sumisikip ang dibdib ko. “Tulong,” sa pagitan ng ubo ko. May mga pares ng mga sapatos akong nakikita pero hindi ko man lang magawang iangat ang ulo ko dahil sa panghihina at ginawa nila sa akin. “Dahil sayo nagkagulo ang lahat, siraulo ka! Akala mo kong sinong matino, lahat kayo mga baliw, kaya ka na andito dahil baliw ka, sa uulitin mag-iingat ka kong ayaw mong dalhin ka namin sa safe zone.” Malumanay lang ang pagkakasabi ng lalaking boses na pamilyar sa akin pero hindi ko maalala kong saan ko ito narinig pero ang mga sinasabi niya ay purong pagbabanta. “H-hindi a-ako baliw,” sa pagitan ng paghingal ko. “Sige na ibalik na ninyo yan sa silda niyan at wag ninyong papakainin hangga’t hindi nagtatanda.” Nakita kong may sapatos na papalayo sa akin, siguro siya ang kumakausap sa akin. May dalawang kamay ang tumulong sa akin para tumayo, mga may mga nakasunod sa kanya, hindi ko na sila ga’anong makita. --- Sa tulong ng isang nurse na babae, nakaligo na ako, bagong bihis at bagong suklay, tinanggal na rin niya ang gasa sa paa ko, mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Inaayos niya ang higaan ko, hindi ko pa rin makalimutan ‘yong ginawa nila sa akin, gulong-gulo pa rin ako sa mga oras na ‘to, wala ba akong pwedeng mapagtanungan dito? Hindi ko alam kong ilang araw na ako rito, hindi ko alam kong anong oras na, walang bintana para malaman ko kong may araw at buwan pa ba sa labas, ano ba talagang nangyayari? “Pwede ka nang matulog dito, sorry kong hindi ka makakakain ngayong gabi, nagpasaway ka kay director, sa susunod wag mo nang gagawin ‘yon,” sa tono ng pananalita niya para talaga akong baliw sa paningin niya. “Hindi ako baliw, ayoko rito, hindi ako baliw, please pakawalan ninyo ako, maniwala naman kayo sa akin hindi ako baliw,” pagsusumamo ko. Pero hindi man lang siya umimik at lumabas na ng silda ko, katulad ng dati i-padlock niya ito para siguraduhing hindi ako makakalabas, iniwan na niya ako. “Bwisit,” bulong ko. Wala akong magagawa, wala akong kakampi rito, pero na saan na ba sila, Gavin, Liam, Paul, Vin, Owen, Queenie, Princess at Flora? Na andito rin ba sila, alam ba nila mama at papa na nawawala ako? Sa tuwing inaalala ko sila bumabalik ang kirot sa ulo ko. Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya, napaupo ako sa kama ko, atomatiko akong napasulyap sa katapat na silda ko, naningkit ako sa ginagawa ng dalaga sa loob. Muli akong tumayo at lumapit sa bakal na harang para makita ng maayos kong ano ang ginagawa niya. ‘Yong kanan niyang kamay gumagawa ng imaginary line, pahiga at patayo, parang crucifix, mula sa kanan, sunod naman ay sa gitnang pader at lumapit siya sa kaliwa para gawin din uli, malumanay ang mga kilos niya. Hihiga na sana siya sa kama niya nang mapasulyap siya sa akin, natigilan naman ako nagulat sa ginawa niya, ang lalim ng mga mata niya, pero may maganda siyang mukha, biglang lumapad ang ngiti niya sa akin na para bang mapupunit ang mga labi niya. Agad akong napaatras, iniwas ko ang tingin ko sa kanya, dahil kinakabahan ako sa mga titig niya, nagkunwari akong matutulog na nang humiga ako sa kama ko at nagkumot, tumalikod ako sa direksyon niya, pero sa totoo niyan pakiramdam ko nakatingin pa rin siya sa akin. Bakit pa kasi ako napasok dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD