Mad 3
(Third Person)
Night shift ng tatlong magkakaibigan sa trabahong sila Vynce, Mike at Chester. Halos magkakasabay silang nakapasok bilang nurse sa Tan Ching Asylum, pero mas matagal na una sa kanila si Vynce na tatlong buwan na, samantalang ang dalawa ay dalawang buwan at tatlong linggo, nagkakilala sila dahil magkakasama rin sila sa barracks kong saan sila nagpapahinga at natutulog.
Dating nurse sa isang private ospital si Vynce ng isang taon nang makuha niya ang kanyang lisensya bilang nurse bago siya na ilipat sa private asylum ng Tan Ching, wala naman siyang sinusuportahan na pamilya dahil may kaya at tapos na ang mga kapatid, pero paminsan-minsan ay nagbibigay din siya kahit papaano.
Pawang baguhan naman sa trabaho sila Chester at Mike na ito agad ang nakuha nila, maging nurse sa mental asylum, at mag-alaga ng mga baliw.
Nakatuka sila sa pagbabantay help desk, siya ang nanonood ng mga cctv video na nakikita niya ngayon sa mga naglalakihang screen na nakaharap sa kanya, hindi ito ang main room para sa cctv, pero dahil nakatuka sila rito, kailangan pa rin nilang tumulong.
Minsan lang sila mapunta sa night shift, isang beses sa isang buwan, ang trabaho niya minsan ay taga-alalay at tagapaligo sa mga bata pang napunta sa asylum na ‘yon, o kaya’y tagapagbantay ng mga malalaki at matatanda nang pasyente. Nakatayo ang Tan Ching sa gitna ng malaking siyudad ng Cristobal, pinagigitnaan ng Westwood at San Domingo, ngunit may mahigpit na seguridad at naglalakihang mga pader na nakapalibot sa buong malawak na gusali.
“Ngayon ko lang na experience na magkagulo ang mga baliw ng sabay-sabay,” pagpapaalala ni Chester dahil sa nangyari kanina sa dining area.
Napasulyap si Vynce sa mga kasama niya dahil sa naging usapan nito.
“Oo nga naman, grabe naman kasi ‘yong bagong pasyente na ‘yon, isigaw ba naman na hindi siya baliw, eh lahat naman ng napupunta rito ay baliw, isa pa, palagi ko na lang naririnig sa kanila yan, wala nang pagbabago.” Paliwanag naman ni Mike, siya kasi ang umalalay sa paglabas nito kanina sa dalagang pinag-uusapan nila.
“Oo nga sayang maganda pa naman,” komento naman ni Chester na parang nanghihinayang pa sa dalaga.
Bigla naman nakaisip ng biro si Mike, “ay wag mong sabihin na may crush ka sa baliw na ‘yon,” wika nito na mapang asar na ngiti kay Chester.
Para namang nakaramdam ng hiya ang binatang si Chester at mahinag sinuntok ang kaibigan, “sira ka kahit na maganda ‘yon pero baliw naman hindi ako papatol doon,” napasulyap naman siya kay Vynce na nakikinig lang sa kanila, “ikaw Vynce maganda ba para sayo ‘yong babaeng nagwala kanina? Diba ikaw ang tumingin sa kanya nang magising siya?”
“Hindi siya maganda, ang putla nga niya.” Mabilis na tugon ni Vynce.
Tumawa naman bigla si Mike, “sabi ko sayo, ikaw lang nagagandahan sa kanya, siraulo ka kasi!”
Natawa na lang si Vynce sa dalawang nagkukulitan sa tabi niya, biglang sumagi sa kanyang isipan ang unang araw ng dalaga kasama pa ang mga bagong pasyente, nong araw na ‘yon, walo ang naging pasyente nilang bago, parehong mga tulala, halos tatlong linggo na ang mga ito na may magkakahiwalay na silda, sa tatlong linggong pag-obserba sa walo, isa ang namatay at ang dalagang ‘yon pa lang ang nakita niyang muli, ang anim, hindi niya kong saang silda ito nilagay.
Hindi niya alam kong magbabarkada ba ang mga bagong pasyente na halos sira-sira ang mga damit, o sadyang magkakasabay lang sila. Sa tuwing naalala niya kong bakit namatay ang isa sa kanila, hindi niya mapigilan kilabutan kahit na marami na siyang naranasang kababalaghan at kakaiba sa asylum na pinagtatrabahuhan.
***
3 weeks ago…
Bago matulog si Vynce kailangan muna niyang tignan ang mga pintuan ng silda sa section 32 kong mga nakasara ba ito, ito ang huli niyang trabaho bago bumalik sa barracks nila. Lakad dito, lakad doon, tinitignan niya ang mga padlock kong tama ba ang pagkakasara.
Malapit na siya sa isa pang silda nang mapansin niyang bukas pa ito ng bahagya, nagmadali siyang makapasok para tignan kong nakatakas pa ang pasyenteng na roon, pero nang makapasok siya para bang tinakasan siya ng kaluluwa niya sa kanyang nakita, lumakas ang kabog ng dibdib niya.
Ang dalagang nasa harapan niya na bago nilang pasyente kanina lang umaga ay duguan, nakaupo ito sa sahig habang nakasandal ang likod sa kama, akala mo wala lang pero hindi ito ordinaryo lalo na’t wala nang laman ang eye socks nito pareho, dahil ang dalawang eyeballs ay nasa magkabilang kamay ng dalaga, naliligo ang mukha at damit nito sa sariling dugo.
Ang dalaga mismo ang gumawa nito sa hindi malamang dahilan, hindi siya makapaniwala, “Salvy,” sabay gising niya sa katrabaho niyang nurse na dalaga, nawalan ito ng malay nang makita ang ginawa ng dalaga na siya mismong nakakita kong paano ito ginawa.
Ginigising niya ito at paminsan-minsan ay tinigtignan ang dalagang wala nang buhay, hindi niya magising ang katrabaho niyang nurse, kaya nagmadali siyang humanap ng tulong sa mga iba pang kasama.
***
“Vynce.”
“Hoy!”
Sigaw ng dalawa niyang kasama nang makabalik siya sa realidad, napasulyap siya sa dalawa, “bakit?”
“Sabi namin tignan mo ‘yong cctv, sa silda ni Dona,” sabay turo ni Chester sa screen na nasa harapan niya.
Hindi na siya nagsalita at napasulyap siya sa cctv, laking gulat niya na nakatingin sa kanila si Dona, ang isa sa mga pasyente nila na may weird na ginagawa bago matulog, nakatayo siya sa kama at nakatitig sa camerang nakatutok sa kanya, para bang nakikita sila nito, lalo siyang nagulat nang bigla itong ngumiti sa kanila at saka ito umupo sa kama.
Nagkatinginan silang tatlo at nagpapalitan ng mga tanong gamit lamang ang mga mata.
“Puntahan ninyo baka kong ano na namang gawin niyan,” utos ni Vynce sa dalawang kasama.
Agad na sumunod sila Mike at Chester na kumuha pa ng pangkuryente kong sakaling may gawin itong hindi kaaya-aya. Nang makaalis ang dalawa niyang kasama muli niyang binalikan ang screen pero sa pagkakataon na ito, gulat na gulat siya sa nakikita niya.
Ang dalaga ay puno na ng dugo dahil binabalatan ang sariling binti gamit lang ang mga kuko sa kamay, para bang wala itong nararamdaman na sakit, dahan-dahan pa ang ginagawa nito habang tumatawa.