Mad 4

1172 Words
Mad 4 (Third Person) Kumanan at kaliwa muna sila Chester at Mike bago sila nakarating sa section 24 kong na saan ang silda ni Dona. Nang makarating sila roon, agad nilang pinuntahan ang silda ng dalaga, hindi nga sila nagkamali na baka may gawin itong hindi maganda. Parehong gulat na gulat ang dalawang bata nang makita nilang sugatan ang binti nito at ang parteng balat na tinaggal ay nagkalat na ngayon sa sahig, tawa lang ng tawa ang dalaga, saka ito tumungtung sa kama. “Dalian mo Chester, tumawag ka ng medics!” Tarantang sigaw ni Mike sa kaibigan, agad namang nagtatakbo ang kasama. Muli siyang tumingin sa dalaga, nakataas ang mga kamay nito sa eri, nakapikit at nakatingala, saka ito tumingin sa baba at tumalon, para bang hindi nasasaktan sa pinag-gagagawa niya. “Putang ina ninyo, mamatay na kayong lahat, lalo ka na!” Sabay duro ng dalaga kay Mike, bahagya siyang napaatras sa sobrang kaba at takot na baka hatakin siya ng dalaga. Nanginginig ang buong katawan niya lalo na ang kamay nitong hawak ang pangkuryente sana sa dalaga, gusto man niyang gawin pero naunahan siya ng takot, hindi man lang siya muling makalapit sa silda ng dalaga. “Tangina! Mga anak kayo ng demonyo, kayo ang dahilan kong bakit ako na andito, ikaw pinatay mo sila Cena at Mhea, ikaw ang dahilan kong bakit sila namatay!” Sigaw ito ng sigaw para bang hindi napapagod ang lalamunan. Natataranta na si Mike, ang tagal pa rin ng tulong hinihingi niya. “Huminahon ka Donalyn, walang mananakit sayo---” hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang titigan siya nito. “Donalyn?” Takang-taka naman ang dalaga ngayon, “sinong Donalyn?” Para naman itong batang inosente. Marami na siyang nakitang ganito pero kahit na nakakadalawang buwan na siya ay hindi pa rin niya maiwasang hindi matakot sa mga pasyente nila, nagsisisi siyang tinanggap niya ang trabahong ‘to, wala siyang magagawa kailangan niya ng pera. Lalong lumapit si Dona sa harang na silda, dinilaan pa niya ang bakal, muling napaatras si Mike, natatakot siyang lapitan siya nito kahit na alam naman niyang nakakulong ito. Sa likuran naman niya, nagising si Kaye dahil sa ingay, kinukusot pa nito ang mga mata, at nang makita ang nangyayari sa labas at sa duguang si Dona, napamulat siyang bigla at agad na bumaba sa kama. “Teka anong nangyayari? Anong nangyari sa kanya?” Tanong ni Kaye, nawala ang antok niya at napalitan ng takot sa duguang dalaga, pero hindi man lang siya pinansin ni Mike. “Alam mo bang kukunin ka na nila,” wika ni Dona kay Mike. “Huh?” “Kukunin ka na nila mamaya, galing sila sa ilalim ng kama mo, hihilahin ka nila pailalim sa madilim na lugar, walang makakarinig.” Hindi pa rin tumitigil ang dalagang si Dona, wala siyang pake alam kong pananakot na ang sinasabi niya. “Mami-miss kita pagkinuha ka na nila.” Natigil ang dalaga nang magsidatingan na ang mga medics team at dalawang guard para bantayan kong sakaling may gulong mangyayari. Nang mapasok nila ang silda ng dalaga, nagpupumiglas pa ito bago nila naturukan ng pangpakalma. Na andoon din ang kaibigan ni Mike na si Chester at Vynce na kapwa pinapakalma siya sa nangyari, pinakabata si Mike sa kanila kaya alam nila kong anong pakiramdam ng matakot sa pasyente mo. Napasulyap naman si Vynce sa dalagang gising na gising dahil sa nangyari, iniwan niya si Mike at lumapit sa silda ni Kaye. “Matulog ka na, kong ayaw mong dalhin ka rin sa safe zone ngayong gabi,” pagpapaalala ng binata, saka ito tuluyang umalis. --- Bago lumabas si Vynce sa barracks nila, hindi niya maiwasang hindi tignan si Mike na natutulog pa rin, pinayagan itong magpahinga muna dahil sa nangyari, babalik na naman sila sa trabaho, ilang oras lang din siya nakatulog pero hindi naman siya pagod o inaantok, mas ayos lang siyang magtrabaho muli. Paglabas niya ng barracks, nakasalubong niya si Chester, “halika na, may bagong pasyente na naman, batang babae, 10 years old, papaliguan daw muna bago ilagay sa magiging silda niya.” Paliwanag nito sa kanya. Agad naman silang nagpunta kong na saan ang waiting room ng pasyenteng papasok sa Tan Ching Asylum pero may dalawang guard na nagbabantay, nang kunin nila ng bata, wala itong imik, may maputi itong balat, mahabang buhok at bangs, nakasuot lang ito ng simpleng bistida. Mamaya pa niya malalaman kong paano at bakit nasa loob ng mental asylum ang batang ito. Nang makarating sila sa malaking paliguan para sa mga bata, inihanda na ni Vynce ang paliguan nito at si Chester naman ang naghubad ng damit nito, wala namang malisya sa kanila ang mga nakahubad. “Halika na rito, papaliguan ka namin para makakain ka mamaya at makasabay ka sa ilan pang bata, pwede kayong maglaro,” sabi ni Vynce sa batang babae. Parang normal lang ang mga bata, mas maayos kausap kesa sa mga dalaga’t binatang pasyente nila, maliban sa isa pang batang babaeng pasyente ni Vynce na siya mismo ang nag-aalaga pero pinalitan din siya dahil sa pakikitungo nito. Hindi umiimik ang bata nang dumura ito sa sahig, nagkatinginan si Chester at Vynce saka nilingon muli ang bata, nagtaka sila nang lumuhod ito at dilaan ang dura nito sa sahig, saka ito nagsalita. “Handa na po ako papa,” sabi nito sa kanila. --- Pagkatapos paliguan nila Chester at Vynce ang bata agad silang pumunta sa help desk kong saan may dalawang babaeng nurse na nagbabantay naman ngayon, sila Salvy at Steff. “Nakita na ba ninyo ‘yong batang babaeng bagong dating?” Tanong ni Steff nang makalapit sila. “Ah oo na, pinaliguan na nga namin tapos dinala na namin siya sa silda niya, ang weird nga eh,” saka naman napakwento si Chester sa ginawa ng dalaga kanina. “Eh kasi ganito yan, alam mo sa totoo lang nakakaawa ‘yong batang ‘yon, gawin ba namang s*x slave ng tunay niyang ama in almost 3 years, ginawa ‘yon ng ama niya nang mamamatay ang nanay niya, tsk-tsk-tsk kawawa talaga, ang mga tao ngayon iba na talaga, dapat pati ‘yong tatay niya nasa mental, baliw eh,” kwento naman ni Salvy sa kanila. Nakaramdam ng awa si Vynce, marami na siyang kwentong naririnig kong bakit napapasok ang mga batang pasyente sa mental asylum na tulad ng Tan Ching, merong na r**e, meron namang dysfunctional family, mga rejected ng environment at madalas na dahilan mga na-bully. Sa mga ga’nong kaso, nagkakaroon ng depress, mga nagkakaroon irrational behavior at hindi nakakausap ng matino, ang ginagawa ng ibang kamag-anak at pamilya, dinadala sa mental, para gumaling, pero pagmamahal lang ang magpapagaling sa kanila, iparamdam na may pamilya sila at may nag-aalaga, yan ang palaging nasa isip ni Vynce pero wala naman nangyayari. Minsan nga lang siya makakita ng bisita ng mga pasyente sa isang buwan, minsan naman wala talaga at para bang nakalimutan na nila, basta lang magbabayad sila sa pag-aalaga ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD