Mad 5
(Kaye)
Napapalibutan ako ng mga hindi ko maintindihan na mga tao, may isang dalagang nakaharap sa pader habang bumubulong, may isang binata na tingin ng tingin sa paligid na para bang may nakikita siyang hindi namin nakikita at kong ano-ano pang nasa paligid ko.
May kanya-kanya silang ginagawa, pagkatapos ng almusal namin, dinala nila kami sa play room na tinatawag, isang maluwag na pasilidad na may artificial na halaman, bulaklak at mga puno. Sa totoo niyan para akong gising sa isa kong panaginip, alam kong hindi ito ang isa sa mga kinatatakutan ko pero sa tingin ko ito na ata ang greatest fear ko, ang makasama ng mga ganitong tao ay hindi normal para sa akin.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari at kong bakit ako narito. Katulad na lang kagabi, hindi ako makapaniwalang may baliw na gagawang saktan ang sarili niya, siguro nga hindi sila nakakapag-isip ng maayos at bayolente.
Ang daming cctv sa paligid, may mga nagtatangkarang guard na nagbabantay sa paligid at may iilang nurse na tumutulong sa ibang pasyenteng baliw.
Nakaupo lang ako sa isang gilid kong saan pinapanood ang kilos ng bawat isa at kong paano ako makakaalis dito, napasulyap naman ako nang makita ko ang tatlong papalapit sa akin, isang babae at dalawang lalaki, sa tingin ko pasyente rin sila dahil sa suot nila.
“Baguhan ka lang dito ah,” wika nang dalaga nang makalapit sila sa akin.
“Huh?” Hindi ako nakaimik, ayon sa ayos at pananalita niya parang hindi naman siya baliw katulad ng lahat.
“Ako si Phoebe, dalawang buwan pa lang ako rito,” pakilala niya sa akin sabay upo sa tabi ko, umupo rin ang isa sa kanan ko at ang isa pang lalaki ay katabi ni Phoebe. “Isa akong serial killer kaya ako napadpad dito, pumatay ako ng siyam na estudyante, bi-nully kasi nila ako tapos ang mama ko na gang r**e noong kabataan niya kaya galing ako sa masama.”
Napangiwi ako sa pagpapakilala niya, so masasabi kong hindi nga siya matino, parang pinagmamalaki pa niya.
“Ang cool, sana magawa ko rin yan kaso hindi ko kaya, hindi naman ako mamamatay tao katulad mo,” sabi naman ng lalaking katabi ko.
Binigyan naman siya ng make face ni Phoebe bago siya humarap sa akin, “yan naman si Wesley, anim na buwan, hindi naman siya serial killer katulad namin, pero dinala siya ng mga magulang niya rito dahil naging biktima ang dalawa niyang best friend sa Pacific Bay na tinatawag na Marionette, ayan nabaliw hindi nakapasalita ng isang buwan, nagsisisi tuloy siyang na andito siya.”
Napabuntong hininga si Wesley, “wag mo nang ipaalala, masakit sa damdamin, the feels dude, isa pa, ang tagal pa ng test ko, para naman makalabas na ako rito.”
“Ako naman si Atom, isang taon na ako rito,” singkit naman ng isa, “serial killer din ako noong college ako, hindi ko na mabilang kong sino ang mga pinatay ko para lang sa koleksyon at kagustuhan ng ama ko.”
“Yup mga masasama kami, si Wesley lang naman ang may pag-asang makalabas dito.” Komento ni Phoebe.
Kong makapagkwento sila parang normal lang ang lahat sa kanila.
“Ikaw paano ka napunta rito at ilang buwan ka na? Mukhang bago ka rito at ngayon ka lang namin nakita?” Tanong no Phoebe sa akin.
“Huh?” Hindi ko alam kong anong isasagot ko sa kanila hanggang sa magsalita ang bibig ko, “hindi ko alam,” sabay iling ko, “hindi ko alam kong anong ginawa ko para mapunta ako rito, wala akong maalala nang magising ako sa isang silda.”
“Diba siya ‘yong nagwawala kahapon na hindi siya baliw,” pagpapaalala ni Wesley sa amin.
“Oo siya nga, alam mo girl ang ganda ng kinalabasan ng ginawa mo, nagkagulo, ang saya nag-party pa kami,” papuri sa akin ni Phoebe, nakitawa naman ang dalawang binatang kasama namin.
“Paano ba makalabas dito?” Tanong ko sa kanila na siyang kinagulat ng tatlo.
Para bang bigla silang natakot, isa-isa nila tinignan ang mga bantay namin.
“Maganda ka sana girl kaso wag kang shunga, mukha ka naman matino, pero kahit ikaw hindi mo alam kong anong ginawa mo, kahit saan at kahit kanino wag mong itatanong yan, baka mapagalitan ka ng director ng mental facility na ‘to at mapunta ka sa safe zone, sa tingin ko hindi mo gugustuhing matulog doon.” Paliwanag niya sa akin.
Pero nagtaka ako, “bakit naman bawal?”
“Hindi ko alam, dati kasi may isang babaeng nagtanong niyan dito sa mismong director, bigla na lang siyang dinala sa safe zone tapos hindi na namin siya nakita kinabukasan,” wika ni Atom.
Lalo tuloy nadagdagan ang tanong ko sa aking sarili.
“Ako ayos lang na dito na ako mabuhay at mamamatay, wala namang pamilyang naghihintay sa akin sa labas,” pagmamayabang ni Phoebe.
“Ano ba ‘yong safe zone?” Tanong ko sa kanila.
“Ok sinasabi nilang safe zone ‘yon but contradictory ang ibig sabihin para siyang dark room kong sa school detention room ang dating niya, kahit baliw matatakot doon, madilim kasi at kong ano-ano maririnig mo, pag-third warning saka ka mapupunta roon. Lahat kami naranasan ‘yon, mas nakakabaliw pa ‘yon kesa rito sa play room, kaya kong ako sayo wag kang gagawa ng hindi magugustuhan ng director.” Paliwanag ni Wesley, nagtanguan naman dalawa bilang pagsang-ayon.
Nagulat na lang ako nang akbayan ako ni Phoebe at ngitian ako, “kong ako sayo wag kang sasama sa mga baliw na yan, sa amin ka sumama, para lima na tayo, kulang lang ng isa, darbarkads na tayo mga folks.”
Alok niya sa akin na muling nagpangiwi sa akin, naalala ko tuloy ‘yong mga barkada ko, lalo na si Gavin, na saan na ba sila? Sino ‘yong sinasabi nilang director? Sana ligtas lang sila.
“Ano nga palang pangalan mo?” Tanong niya sa akin.
“Kaye na lang.”
“Kaye.”
May tumawag sa akin pero alam kong hindi sila, lahat kami napatingin sa direksyon ng boses nang tumawag sa akin, bahagya akong nagulat nang makita kong nakatayo sa harapan namin ang pamilyar na nurse.
“Ang gwapo ni nurse Vynce,” bulong sa akin ni Phoebe.
Vynce?
“Sumama ka sa akin, oras ng therapy mo.” Sabi niya sa akin, saka niya ako nilapitan hahawakan niya ako nang lumayo ako sa kanya, “Kaye hindi kita sasaktan, ihahatid lang kita sa doktor.”
Napasulyap ako sa tatlo, tinanguan naman nila ako saka ako sumulyap muli sa nurse na nasa harapan ko, hinayaan ko na siyang hawakan niya ako, akala mo pilay akong inaalalayan niya ako papalabas ng play room o sinisigurado lang niyang hindi ako makakatakas, sa totoo niyan nakakailang.