Mad 7 (Kaye) Hindi ko pa natatapos ang ginagawa kong painting nang isa-isa na kaming kunin ng mga nurse, ibabalik na kami sa mga silda namin, para maglinis bago maghapon, hindi ko na talaga alam ang takbo ng lugar kong na saan ako. Kinuha na rin sila Phoebe at sumunod naman ako, palagi nila kaming inaalalayan kahit na hindi naman kami pilay, sila ganito sa amin. Napasulyap ako sa isang pasyente na palinga-linga sa paligid, walang umaalalay sa kanya at nakikisabay lang siya sa amin sa paglabas. Napasulyap din ako sa unahan niya kong saan siya nakasunod, kay Vynce na may inaalalayan ding pasyente, naningkit ako sa una, pero nang laki ang mata ko nang makita ko kong ano ang hawak niya sa kamay, isang patalim. Siya din ‘yong babaeng nagwawala kagabi at binalatan ng buhay ang sarili niya s