LIZAH AGUILAR “So, do you love it or what?” Hindi ko sinagot si Ryujin dahil titig na titig ako sa human-sized pillow. Para bang ipipikit ko na lang ang mata ko pero may naguudyok sa 'kin na huwag muna. Hindi ko pa tapos titigan. “Actually, pinagisipan ko pa talaga ang pose ko. I tried many different poses to make sure that the result is sexy and… you know, it’s kind of obscene but I worked really... really hard for it!” Tingnan mo nga naman ang posing n’ya. Sisimulan ko sa mga mata n’yang mapangakit ang atake. May pa kagat labi pa s’yang nalalaman. Ang kaliwang kamay n’ya, naka-kapit sa batok. Nasisilayan ko ang med’yo mabuhok n’yang kilikili habang ang kanang kamay n’ya naman, naka-hawak sa balakang n’ya at pigil na pigil ako na hindi ko ulit mahagipan ng tingin ang ibaba n’ya

