LIZAH AGUILAR HINDI muna ako lumabas ng kuwarto. Para akong ewan na palakad-lakad sa loob. Pakiramdam ko, kapag lalabas ako, iinit lang ng husto ang mukha ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko na ayaw kong kaming dalawa lang ang nagsasama at may ganitong mangyayari. Hindi ko napipigilan ang sarili ko na mag-labas ng reaks’yon sa mga galawan n’ya. “Lizah, come out now. We can continue decorating.” Umanting ang mga tainga ko nang marinig ko ang boses ni Ryujin. “S-Sige, susunod ako.” Tumigil na ako sa kakalakad. Nag inhale at nag exhale muna ako. Ang sikip ng pakiramdam ko. Sana matapos na agad ang pag-d-decorate hanggang maka-uwi na ang mga anak ko. “How’s your finger? Did you put a band aid on it?” Nang maka-labas ako sa kuwarto, iyan ang bungad sa ‘kin ni Ryujin. Naabutan ko s’yang ki

