LIZAH AGUILAR DAHAN-DAHANG humakbang si Briggs palapit sa aming kinatatayuan. Hindi kumukurap ang mga mata n’ya habang pasalin-salin kaming tinititigan ni Ryūjin. Napansin ko rin na pasimpleng umusog palapit si Ryujin na halos magkakadikit na nga ang mga braso namin. “You…” Tumigil si Briggs sa aming harapan. Kay Ryujin naka-tutok ang kan’yang mga matang bahagyang naniningkit. “Ryujin Drago?” mariing usal n’ya. “How did you get in here?” Narinig kong napa-kiskis bagang si Ryujin. “What a cool badge we have.” Nakuha agad ni Briggs ang nais ipahiwatig ni Ryūjin. Napa-baba ang paningin n’ya sa kumikinang na badge na naka-kabit sa camouflage uniform nitong nasa tabi ko. “You… are a soldier?” Nagkasalubong ang kan’yang mga kilay. “How come? I haven’t seen you on the list of trainees in th

