"Ano pa bang pumipigil sa inyong dalawa na magpakasal? Ang tagal-tagal nang ready ng anak ko. Naghihintay sa 'yo, Lion." Seryosong ani ni Serafino. Sinadya pa talaga ako ni Serafino para lang sa bagay na ito. Kunwari'y negosyo, pero ito naman talaga ang tunay n'yang pakay. Sinulyapan ko si Serafina. She's beautiful, pero hindi lang kasi ganda ang hanap ko sa mga babae. Kaya kahit sobrang tagal na, hindi man lang sumagi sa isipan ko na patulan ito kahit isang segundo man lang. Habang si Aurelia, unang kita ko pa lang, binigyan na ng kakaibang kabog ang puso ko. "Dad, nangako ka na hindi bubuksan ang topic na iyan sa pagpunta natin dito." Pakunwari pa talaga ito, pero ang totoo ito ang nagpilit sa ama na magtungo rito para makipagkita sa akin. Ilang beses nang nagpadala ng mensahe si Ser