"Papasok na sina Signora Alatheia. Hinarang ang press nang sila na ang dumating. Mukhang kontrolado nila ang media sa event na ito." Dinig naming ani ni Cleope sa device na nasa tenga namin. Hindi naman iyon halata, kaya kampante kaming nakinig ni Lion sa babae. "Signor Lion, nakita ko rin si Signora Atalanta." "What?" ani ni Lion, na humarap lalo sa akin. Para mas mukhang kami lang ang nag-uusap nito. "May kasama po siyang lalaki... Mr. Kim, boyfriend ba iyan ni Signora Atalanta?" tanong ni Cleope. "I don't know." Tugon naman ni Mr. Kim. "May boyfriend si Atalanta?" gulat na gulat na ani ko. Hindi makapaniwala na may kasamang lalaki si Ata sa ganitong klaseng event. Umiling si Lion. Mukhang hindi updated sa lovelife ng kaibigan n'ya. "Nakapasok na po sila." Imporma ulit ni C