Isang sexy red gown ang napili ni Cleope na suutin ko. Yes, si Cleope ang nagbigay ng final say sa suot ko. Si Lion na patingin-tingin ay halatang tutol. Pero hindi naman kasi maitatanggi na bagay sa event ang napiling final gown ko. Isang sexy red gown iyon na may mahabang slit sa left leg ko iyon. Medyo malalim din ang tabas sa dibdib ko. Mukha tuloy apaw na apaw ang dibdib ko. Pero hindi naman iyon masagwa tignan. Silk din ang tela, kaya naman para akong kumikinang. Gusto ko sanang isuot ang alahas ni mama. Pero pinaalala ni Cleope sa akin, na baka raw makilala ako dahil doon. Kaya ibang alahas ang isinuot ko. Desenyong ahas iyon na pinalamutian ng mga diyamante. Medyo matapang ang dating ng makeup ko. Ibinagay sa kaseksihan ng gown. Ang buhok ay naka-twirled side bun. "Perfect!"