Angat na angat ang kilay ni Atalanta pagdating namin. Akala mo'y siya ang may-ari ng bahay sa pagkakaupo n'ya at pagkakadekwatro n'ya. "Alip, pakihanda ang mga gamit ni Chim Chim." Utos ni Lion. "Ayan! Bintang pa. Imbes na may loving-loving kayo no'ng nakaraan ay ito kayo ngayon." "Tsk. Bakit kasi basta mo na lang ibinag." Umirap pa ako rito. "Aba! Eh 'di nalaman n'yo agad ang secret kapag sinabi ko kung saan ko dadalhin." Pagtataray rin nito. "Ikaw na ang maghatid sa papa ko." Tumango naman si Atalanta. "1 milli---" "I'll call your mom." Seryosong ani ko sa babae. Napasimangot ito. "Sumbungera. Libre na nga." Wala na sa kalendaryo, pero ang sakit pa rin nito sa ulo. Parang hindi tumatanda, palala nang palala ang pangngungurakot nito. "Signora Atalanta, luto na po ang stea