Tahimik ang lahat habang nagpla-play sa malaking screen ang video na nakuha ni Alatheia sa kampo ni Denver. Hindi man kita ang mga mukha ng mga tao sa kotse, dahil naman doon ay bumalik iyong mga mahahalagang parte ng memories ko na nawala. Napasinghap ang mga nanonood nang gumulong-gulong na ang sasakyan namin dahil sa ginawa ni Denver Xandery. Naririnig pa nga sa video ang tawanan ng mga kalalakihan. Saglit kong pinahinto ang pag-play ng video. Saka ako tumayo sa podium. "Ang nasa loob ng sasakyan na iyan ay kami ni mama..." mas lalong napalakas ang singhap ng mga tauhan na narito ngayon sa head quarters. Agad kaming nagbigay ng notice sa mga importanteng tao na miyembro ng organization para um-attend nang pagpupulong. Lahat naman sila'y dumating, lahat maagang dumating. "Iyang vid