Si Denver. Si Denver ang dahilan kung bakit na aksidente kami ni mama. Dahil sa trauma, ang detalyeng iyon ay nawala sa utak ko. Pero parang nag-replay nang mapanood ko ang video. Video kung saan makikita ang patunay na may taong involve sa aksidenteng iyon. Iyong X na markang iyon, kay Denver iyon. Malinaw ring si Denver ang dahilan kung bakit nagpagulong-gulong ang sasakyan namin. "Aurelia?" pukaw ni Lion sa akin. "Haharapin ko ngayon ang lahat ng miyembro ng Triple El Calvo Mafia. Magbababa na ako ng order sa kanila na tapusin ang lahat ng kasali sa X's Mafia Group." "Nagpapadalos-dalos ka." Seryosong paalala nito. "I know. Pero iyon ang order na ibababa ko ngayon." "Ang grupo ko na lang ang gagawa. Habang abala tayo sa ibang pangkat ay ipapatrabaho ko na sa mga tauhan ko mun