"Daddy! Tulungan mo ako, kailangan kong mabawi si Lion sa babaeng iyon." Atungal ko nang iyak, hindi na nahiya kahit na kasalukuyan kaming bisita sa Palazzo Monte Ciento. Nang makita ko ang mga article na trending ngayon ay parang gumuho ang mundo ko. Hindi na nahiya kung mukha na akong tanga habang nakasalampak sa sahig. "Dad, inilabas na nila talaga ang relasyon nila sa media. Alam na ng lahat na haka-haka lang iyong sa amin ni Leander. Ngayon proud na proud pa talaga n'yang isinama sa party iyong basura na iyon. Help me, daddy." "Serafina! Umayos ka nga. Matanda ka na. Pero hindi ka pa rin marunong sa buhay. Ang tagal-tagal mo nang inaasam si Lion. Pero hindi mo nakuha. Ngayon aatungal ka nang ganyan." Inis na ani ng aking ama. Kaya naman gumapang ako palapit sa ina ni Lion. "Tita,