Ginagap ko ang kamay ni Lion, habang hinihintay namin na masagot ang tawag namin. Kakausapin na nito si Allana at Gabriel Monte Ciento. Kumakabog ang dibdib ko. Alam ko naman kasing ayaw sa akin, lalo na no'ng ginang. Sino ba namang magkakagusto sa isang babaeng naging premyo lang naman sa tournament? Iniisip din siguro nilang kung sino-sino na ang nakakuha sa akin. "N-asagot na." Seryosong ani ko kay Lion. Agad itong umayos ng upo. Nakita namin si Signora Allana at Signor Gabriel na magkatabing nakaupo. "Napatawag kayo?" ani ng ama ni Lion. Nagkatinginan muna kaming mag-asawa at sumenyas ako ritong magsalita na siya. "Dad, Mom, we need to tell you something." "May apo na ba ako?" tanong ng ama nito. Pareho kami ni Lion na agad na umiling. "No." "Then what is it?" "Nagplaplano