"Bakit hindi nila sinasagot ang tawag ko? May nangyari ba after ko silang iwan sa lugar na iyon?" frustrated na tanong ko sa aking ama. Naglinis pa kami ng mga 'kalat' sa venue. Umaga na, pero hindi ko pa rin ma-contact ang mga ito. "Hindi ko masasagot iyan, anak. Pareho tayong abala sa kalat na ginawa ng ilang tauhan natin. Kaya naman huwag ka sa aking magtanong." Sagot ni dad. "Nag-utos na ako para i-check iyong lugar na pinag-iwanan mo sa kanila kagabi. Kaya hintayin na lang natin ang mga tauhan." Napasabunot ako sa buhok sa sobrang frustration ko. "Bakit parang affected na affected ka?" nakangising ani nito sa akin. "Dahil hindi ko alam kung nasaan ang asawa ko." Gigil na ani ko sa ama. Bakit kailangan pa nitong tanungin? Obvious naman na nag-aalala ako sa asawa ko... nag-aalala ak