"Mag-ingat ka." Mahigpit na yakap ang tinugon ni Lion sa bilin ko. Pagkatapos n'yang 'mag-almusal' ay nag-shower na kami. Saka naghanda na siya para umalis. Kumuha lang ako ng almusal sa ibaba, para naman makakain ito bago pa bumiyahe. Ayon dito ay on the way na raw si Atalanta para manundo. Hindi na ako kwinestiyon ni Nana. Nagdagdag pa nga ito para pareho raw kaming mabusog ng asawa ko. Ngayon, aalis na talaga siya. May meeting ito at kailangan nitong makabiyahe patungo sa metro. "Mahal kita, Auring ko. Sobra-sobra." "I love you too, Lion ko. Mag-iingat ka. Bago ka bumaba ay iipunin ko muna sa likod ang mga guard, para mas madali kang makalusot. Ingat ka." Nakakatawa 'no, aalis ang asawa ko. Normal na ihatid sa pinto at pabaunan nang halik ang asawa. Pero iyong sa amin ni Lion