Kailangan ko si Lion ngayon. Pero wala siya. Pakiramdam ko'y mag-isa na naman ako. Nagising ako na nasa silid, binabantayan ng mga kasambahay. Siguro'y nararamdaman ni Chim Chim ang sitwasyon ko ngayon. Kaya tahimik lang ito at hindi nagkukulit. "Hindi po talaga makakonekta ng tawag, Ma'am Aurelia." Sumusuko nang inilapag ni Letlet ang cellphone ko. "Si Tanda? Nandyan pa ba s'ya?" walang lakas na tanong ko. "Nasa baba pa po siya. Hinihintay kang magising." Sagot ni Uday. Umiling ako. Naduduwag ako. Natatakot akong bumaba, kasi kapag bumaba ako. Tiyak na isasama na ako ni tanda patungo sa morgue kung nasaan ang aking ama. "Kailangan mo na pong bumangon at harapin ang katotohanan, Signora Franceska." Ang pamilyar na tinig na iyon ang nagpabalikwas sa akin. Takang nilingon ko si C