88

1879 Words

Tatapusin ko lang ang funeral ni papa. Iyon ang pangako ko pagkatapos kong harapin ang mga miyembro ng organization. Lahat sila ay nagsabing susuportahan nila ako sa ano mang maging desisyon ko. Sa dami ng mga taong pwedeng ma-involve ay kailangan kong maging maingat sa desisyon na bibitawan ko. Ayaw kong magkamali, lalo't hindi ko gamay ang ganitong klase ng mundo. "Kumain ka na muna." Inilapit ni Cleope ang pagkaing inihanda n'ya. Ngunit umiling lang ako. Wala pa ring balita kay Alatheia sa maghapong paghahanap dito. Gabi na, pero kahit isang balita ay wala. "Kahit tubig lang, Signora Aurelia." Nakikiusap na ani nito. Pero umiling ulit ako. "Gusto kong mapag-isa. Iwan n'yo muna ako." "Hindi naman pwede iyon. Dito lang ako." "Sabi ko gusto kong mapag-isa!" nagtaas na ang tinig ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD