Panaginip lang ba ang lahat? Kagaya ng mga sandaling ito na yakap-yakap ako ng asawa kong himbing na natutulog? Panaginip lang ito, ano? Kasi parang mas gusto ko na lang munang manatili sa panaginip kong ito, kung saan kasama ko si Lion. Ingat na ingat kong iniangat ang kamay ko. Natatakot akong mawala ito sa panaginip ko. Pero iyong inaasahan kong tatagos... hindi iyon nangyari. Pagkalapag na pagkalapat ng palad ko sa pisngi nito'y agad nitong pinatong ang palad n'ya roon. Saka hinawakan at inilapit sa labi n'ya at hinalikan. "I-sa lang itong panaginip. Ganito ako kalungkot, para pati sa panaginip ay hangaring kasama ka." Sunod-sunod na pumatak ang aking mga luha. Hindi pa pala pagod ang mata ko. Parang nakapahinga lang at ngayon ay pwede na naman. Agad na napamulat ng mata ang lala