15

2014 Words

Nagpapahinga na ang mga tauhan sa loob ng mansion, pero tiyak kong ang mga romoronda sa labas ay patuloy pa rin. Lumabas ako ng silid dahil nauuhaw ako, ang bantay sa labas ng kwarto ko ay wala na rin. Kaya nakarating ako ng kusina na walang nagbabantay. Wala sa isip kong tumakas. Bukod sa baka mapahamak na naman ang mga tauhang nagbabantay sa akin, alam ko rin namang ako rin ang mahihirapan. Napakalayo ng kailangan lakarin bago makarating sa siyudad. Walang sasakyan pagala-gala sa area na ito, dahil ang palasyo lang naman ni Lion ang narito. Kumuha ako ng baso, saka binuksan ang ref at kumuha ng tubig. Habang ginagawa ko iyon ay nakarinig ako nang pagbukas ng pinto. "Dumating na si Lion? Ang tagal ko nang hindi nakita ang isang iyon." Inubos ko muna ang tubig na isinalin ko sa baso.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD