"Mia Signora, nagmamakaawa ako sa 'yo. Gumising ka na." Ang nagmamakaawang tinig na iyon ang gumising sa akin. Dahan-dahan akong nagmulat. Nakita ko ang luhaang mukha ni Esperanza na nakaluhod sa ibaba ng kama.
Nahihilo pa ako, masakit ang katawan. Hindi pa lubusang nakabawi. May dextrose pa nga ako eh.
"Esperanza?" takang ani ko rito.
"Signora Franceska, tulungan n'yo po ang mga kasamahan ko." Pinilit kong bumangon, kaya naman agad itong tumayo at inalalayan ako.
"Bakit? Anong nangyari?" tanong ko, kahit masakit pa ang ulo ko.
"Pinarurusahan po ni signor ang mga tauhan nagbantay sa inyo."
"A-no?" tumahip nang mabilis ang dibdib ko.
"Parang awa mo na po, tulungan mo po sila." Hindi malinaw ang lahat, pero kumilos ako at pinilit tumayo. Umalalay si Esperanza sa akin, wala ring pag-aalinlangan na tinanggal ang nakatusok sa aking karayom. Saka ako naglakad patungo sa pinto.
Hindi ko kayang maglakad kung walang alalay, gano'n ang panghihinang dinaranas ng katawan ko ngayon. Pero hindi ko iyon pinansin, kinaya kong makalabas ng silid sa tulong ni Esperanza.
Nakakarinig na ako nang hirap na hirap na tinig. Mukhang nanggagaling iyon sa garden, kaya naman doon ako iginiya ni Esperanza.
Nang makalabas, agad tumambad sa akin ang sitwasyon ng tatlong babaeng nakaluhod sa harap ni Lion na prenteng nakaupo sa upuan. Kasama nito si Atalanta na relax na relax din.
Si Cleope na may hawak na latigo ang siyang humahataw ng palo sa binti ni Renese.
"H-uwag!" paos ang tinig na ani ko. Inalalayan akong muli ni Esperanza, makalapit lang sa mga ito. Nang nasa mismong garden na ay tinabig ko ang kamay ng babae na nakaalalay sa akin. Baka madamay pa siya.
Kahit sinabi kong huwag ay patuloy si Cleope sa pagpalo sa binti ng mga tagabantay ko. Kaya si Cleope ang nilapitan ko at itinulak ito, ang nanghihinang katawan ay iniharang ko kina Renese.
Bakit sila pinarurusahan? Dahil ba sa ginawa kong pagtakas? Bakit sila ang pinarurusahan? Ako dapat. Ako naman ang lumabag sa utos ni Lion.
Nang tignan ko ang tatlong babae, nakita kong pati kamay nila ay nakaranas na rin nang kalupitan. Dumurugo ang mga iyon, tanda na nalatigo na sila roon.
Alam kong masakit, dahil naranasan ko na rin. Pero hindi ko matanggap na naranasan nila iyon dahil sa akin.
"Tabi." Utos ni Cleope na nakabawi na sa ginawa kong pagtulak dito. Kita ko ang paghigpit nito sa hawak na latigo.
Umiling ako. Hindi ako aalis dahil lang sinabi nito. "Tabi sabi." Muli nitong utos. Kaya naman unti-unti akong lumuhod.
"A-ko na lang. Huwag n'yo silang idamay, dahil hindi nila alam ang ginawa ko."
"That's the point. Hindi nila alam, na dapat alam nila! Binabayaran sila para alagaan at bantayan ka. Iyon na nga lang ang focus ng trabaho nila, pero hindi pa nila nagawa nang maayos. Kaya umalis ka d'yan, kulang pa ang latay ng latigo sa kanila." Gigil na ani ni Cleope.
"No."
"Mia signora, u-malis na po kayo. K-aya po namin ito. H-indi po namin nais na masaktan kayo." Hirap at luhaang ani ni Alip.
Nilingon ko si Lion. Nakatago pa rin ang kanyang mukha.
"L-ion, ako ang parusahan mo. Ako ang nagkasala sa 'yo kaya ako ang dapat makatanggap nang parusa. Hindi ang mga kasambahay na nag-alaga sa akin." Luhaang pakiusap ko rito.
Tinitigan lang ako ni Lion. Sabay angat ng kamay n'ya, saka baba. Kumilos si Cleope at lumipat sa kabilang side. Si Calipa naman ang hinataw nito sa binti.
"Cleope!" sigaw ko. Pinilit kong tumayo. Pero hindi pa rin huminto ang babae. Nakailang bagsak ako sa labis na panghihina, bago ko nalapitan ang babae. Hindi ito tumitigil sa pagpalo, kaya naman iniharang ko na lang muli ang sarili ko, maprotektahan lang ang mga ito.
Akala ko nga tatama sa akin ang latigo, pero huminto na si Cleope. Hindi lang ako ang umiiyak, pati na ang mga tagapagbantay ko.
Kaysa tumayo, gumapang na lang ako palapit kay Lion. Marumi na nga ang kamay at damit, pero hindi ako nag-alinlangan na hawakan ang tuhod nito. Saka nagmakaawa.
"L-ion, parang awa mo na. Ako na lang ang parusahan mo. H-uwag na sila. Parang awa mo na."
"Ang kasalanan mo. . . sila ang tatanggap nang parusa---"
"H-indi na ako uulit. P-angako, please!" luhaang ani ko. Pakiramdam ko'y susuka na ako sa sobrang bigat ng dibdib ko at bigat na rin nang pakiramdam ko. Hindi nakatulong ang sobrang pag-iyak ko.
"That's enough, Lion." Dinig kong ani ni Atalanta sa lalaki.
"Cleope." Pangalan pa lang ni Cleope ay napalingon na agad ako sa babae. Muling hinataw nang palo ni Cleope si Calipa.
"Tama naaaa! Ano pa bang gusto n'yong gawin ko?" sigaw ko kahit na hilong-hilo ako. "I'm so f*****g tired." Pinilit kong tumayo. Pero ang baril na nasa table ang kumuha ng atensyon ko, habang naririnig ko ang paghaplit ni Cleope kay Calipa, walang pag-aalinlangan na dinampot ko ang baril.
May idea ako sa baril, kaya nakuha kong hawakan iyon nang maayos. Agad din akong lumayo kay Lion na napatayo dahil sa ginawa ko.
Si Atalanta ay gano'n din.
Iniangat ko ang baril at itinutok ko sa ulo ko.
"Hoy, babae! Nasiraan ka na ba?" manghang ani ni Ata na napangiwi nang makita n'yang seryoso ako.
Luminga ako kay Cleope na natulala na rin sa akin.
"Woman." Gigil na ani ni Lion. Mariing tumikom ang bibig. Tanda na nagpipigil lang ng sarili.
"Hindi kayo marunong makinig. Ang sama ninyong lahat."
"Lah, bakit naman nadamay ako. Nakikinood lang nga ako." Reklamo ni Atalanta. "Ito, ito ang masama. Sinabi ko na ngang mali at hindi ka matutuwa sa gagawin n'ya, pero hindi s'ya nakinig. Huwag mong saktan ang sarili mo, girl. Dito mo sa lalaking ito itutok. Much better kung sa t**i n'ya iputok. Iyan lang ang malambot sa kanya, that's for sure. Matigas din ang puso nito. Kaya sa t**i na lang." Para itong naghuhugas kamay, nang titigan ni Lion, biglang nanahimik.
"Signora Franceska, huwag mo pong gawin iyan. Ibaba mo po iyan dahil baka magkamali ka sa ginagawa mo." Takot na pakiusap ni Renese.
"Gusto mong ikaw ang parusahan ko?" lahat nang tingin ay gumawi kay Lion.
"Oo! Ako naman iyong tumakas, sa akin ka naman galit. Ako naman iyong lumabag sa batas na in-set mo sa lugar na ito." Luhang ani ko.
"Fine. Put that f*****g gun down." Utos nito. Umiling ako. "Ano pa bang gusto mo?"
"Tumawag kayo ng doctor. Tiyakin n'yong magagamot sila." Sabay turo sa tatlong babae. Nagdadalawa na ang tingin ko sa sobrang hilo ko. Pero pinilit ko pa rin ang sarili kong masabi iyon.
"Cleope." Bigkas ni Lion sa pangalan ng tauhan. Yumukod naman si Cleope. May sinenyasan ito, agad lumapit ang mga tauhan at tinulungan makatayo ang tatlong babae.
"Kami na po ang bahala sa kanila." Lumapit si Lion sa pwesto ko nang maialis ang tatlo.
Inilahad nito ang palad para hingiin ang baril. Nakuha ko naman na ang gusto ko, kaya iniabot ko na rito. Saka ako tumalikod. Pero mas nag-triple pa ang hilo ko. Naramdaman ko na lang ang tuluyang pagkawala nang lakas ko.
"I got you." Bulong ng lalaki na nakasalo sa akin. I'm so tired, tired from this. Hanggang kailan ba ganito ang sitwasyon ko?
---
Ilang linggo ang lumipas. Nakabawi na ang katawan ko, nakakalabas na ng kwarto at malakas na. Hindi na ako ikinulong sa kwarto, pero sa ilang linggong lumipas ay hindi ko nakita si Lion. Obvious na mas humigpit ang pagbabantay sa akin. May mga nakatayong lalaki sa magkabilang side ng pinto ng kwarto ko. Mayroon sa living room, parang mas na double ang security.
"Nasaan si Lion?" hindi na nakatiis na tanong ko. Mabuti na rin ang kalagayan ng tatlo kong bantay. Kasama ko silang narito sa living room, nanonood ng TV.
"Hindi po namin alam." Sagot ni Renese. Minamasahe nito ang kamay ko, sumentro ang tingin ko sa TV. Kasalukuyan may party na kino-cover doon.
Nahagip sa camera ang isang lalaki na nagsasalita. Pormal na pormal ang expression ng mukha nito, halatang bilib na bilib ang mga taong nakapalibot dito, dahil tutok na tutok ang atensyon ng mga ito rito.
Napalingon ako sa tatlo nang maghagikgikan sila.
"Mia signora, iyong laway n'yo po." Nakatawang ani ni Renese. Agad ko namang pinunasan.
Kaya mas lalong tumawa ang mga ito.
"W-ala naman." Nanulis ang ngusong ani ko rito.
"Pogi ba, Signora Franceska?" curious na tanong ni Calipa sa akin. Muli akong tumingin sa TV. Nakatutok pa rin ang camera sa lalaki.
"P-ogi." Sagot ko naman. Para pang nahiya. Pero totoo naman kasi, ang gwapo ng lalaki. Halata ring matalino.
Naghagikgikan ang mga ito.
"Bagay kayo, mia signora." Kantiyaw ni Alip.
"Ha? Tao kami."
"Ang cute mo po." Aliw na ani ni Alip sa akin.
"Gusto mo ba siyang makilala?" napalingon ako kay Renese. Nagsalubong ang kilay.
"Hindi. Bakit ko naman gugustuhin makilala ang isang iyan?" curious na tanong ko.
"Siya si Leander Gabriel. Matalino, gwapo, mayaman. Mga reason para naisin mong makilala ang ganyang klase ng lalaki."
Umiling ako. "Hindi ako interesado sa mga ganyan."
"Pero nagwapuhan ka."
"Oo, gwapo naman kasi talaga. Pero ano namang magagawa ng ganyang lalaki sa buhay ko? Bilanggo nga ako rito."
"Ang bitter. Malay mo naman." Nakaingos na ani ni Alip. Umiling ako. Ibinalik namin ang atensyon namin sa TV.
Naiba na ang focus ng camera. Nakaramdam ako nang panghihinayang.
"Uy, nanghinayang." Si Calipa naman ang nanukso.
"Anong pangalan n'ya ulit?"
"Leander Gabriel." Sagot ni Renese.
"Bagay." Sagot ko. Tumango-tango pa. Mas lalo tuloy kinilig ang mga ito. For no reason.
Naubos sa panonood ang oras namin. Pero siyempre, hindi nila nakalimutan pakainin ako at painumin ng gamot.
"Wala ba kayong cellphone?" tanong ko. Pare-parehong nahinto sa pagbalik sa couch ang mga ito.
"Mia signora, tama na po. Kahihilom lang ng mga sugat namin. Maawa ka." Exaggerated na ani ni Alip. Bumuntonghininga ako.
"S-orry." Hingi ko nang paumanhin. "Hindi tamang pinarusahan kayo ni Lion."
"Signora Franceska, alam mo ba na kahit naparusahan kami ay hindi namin naisip na umalis?" Oo nga, hindi dapat tino-tolerate ang gano'n. Dapat nagsumbong na sila sa pulis. Pero kung bihag din sila ni Lion, paano nga ba naman sila makakapagsumbong?
"Dahil bihag din kayo?"
"Hindi po. Dahil napakalaki nang naitulong ni Signor sa amin. Tanggap namin ang nakuha naming parusa dahil naging pabaya kami sa trabaho namin."
"Kahit pa malaki ang naitulong sa inyo ay hindi pa rin dapat kayo sinaktan."
"Signora Franceska, hindi naman kami sinaktan ng walang dahilan. Nagalit ang Signor Lion dahil muntik ka nang mamatay. Kahit kami ay galit sa sarili namin. Hindi namin mapapatawad ang sarili namin kung napahamak ka dahil sa kapabayaan namin."
"Bakit n'yo aakuin ang kasalanan iyon? Sa totoo lang ay kasalanan talaga ito ni Lion, kung hindi n'ya ako ikinulong. Hindi naman ako tatakas dito."
"Signora Franceska, sana maisip mo rin na binigyan ka pa nga ng pabor ng amo namin. Kung hindi ka n'ya itinago rito, matagal ka na sigurong patay. Hindi natatapos sa tournament na iyon ang panganib sa buhay mo. Hanggat may nag-aasam sa 'yo, hahabulin ka nila at nanaisin makuha."
"So dapat magpasalamat pa ako?" hindi ko naitago ang sarcastic sa tinig ko.
"Ang dapat mo lang gawin ay huwag gumawa nang ikagagalit n'ya. Iyon lang po. Maswerte ka pa po dahil hindi ka n'ya pinagbubuhatan ng kamay, huwag n'yo pong sagarin ang pasensya ng signor dahil tunay na malupit ang lalaking iyon kapag nagalit."
"At ano pa ang kaya n'yang gawin?"
"Kaya n'ya pong patayin ka kapag nasagad ang pasensya n'ya." Napasinghap ako.