Umalis si Alatheia, pero kinagabihan ay bumalik din ito. Kasalukuyan kaming nanonood ng TV. Nakayakap ako sa bewang n'ya habang parehong tutok ang atensyon naming dalawa sa TV. Nakapaghapunan na kami. Walang nag-ungkat nang nangyari no'ng nakaraan. Kaya payapa kami ngayon. Tumatawa sa mga eksenang nakakatawa, umiiyak sa mga scene na madrama. "Ala, dito ka ba matutulog? Ipapahanda ko ang kwarto mo." May dala si Nana na dalawang basong gatas. Inabot n'ya iyon sa amin. Mukhang matutulog na ang matanda. Kapag kasi nag-abot na ito ng gatas ay sign na iyon na iyong huling gagawin nito at matutulog na siya. "Thank you po." Pasasalamat ko sa matanda na kahit may edad na, alagang-alaga pa rin kami. Lalo na ako. "Na, hindi po. May flight ako bukas. Inutusan ako ni papa na i-check iyong isa