Wala pa ring message or call. Grabe naman iyong lalaking iyon. In-send ko pa sa kanya iyong 'chimeneya' ko na ang tanging takip ay iyong thong na kasama sa nighties. Nagaya na ako kay Atalanta sa pagtawag n'ya ng gano'n sa private part. Pero wala, kahit seen man lang. I-block ko kaya ang isang ito? Kainis. Ibabato ko sana ang phone ko nang maalala kong bad iyon. Tanghali na, oh! Tapos wala pa ring balita sa kanya. Nakapag-training na nga rin kami. Bored na ako. Nagtanghalian at nakipagtsismisan na ako sa mga kasambahay para lang malibang ako. Pero hindi nakakaligtaang pumanhik sa silid at mag-check ng phone. Wala talaga. Asar na asar na ako't naiiyak. "Aurelia, ano bang problema mo?" umupo sa tabi ko si Nana. Gabi na, 9 pm. Pero gising pa rin ako at narito sa sala. Mas pinili ko